kaibigan lang pala?
may mga taong pang-kama, taong pang-relasyon, meron ding pang-kaibigan lang. pakiramdam ko, i belong to the latter. may mga lalaki sa buhay ko na ewan ko kung bakit mas prefer nila kong maging kaibigan lang. i mean, ok lang naman... pero ang kaso, kung hanapin nila ko sa workstation ko, parang jowa ang turing nila sa kin. ang gulo nga eh. parang di ko magets. nandiyan yung bibigyan ka ng comments na nagbabadya ng relasyon na nakaka-flatter na di mo alam kung compliment ba o ano. pero pag binigyan mo naman ng malisya, sasabihin sa yo di pa daw handa sa relationship. di naman ako nagmamadali eh... tangina, ala na nga akong ginagawa. pero bakit ganun? ang labas ko tuloy pokpok ako kase friendly nga ako... tipong kaladkarin ba. kung san ako yayain ni ... uhmmm-friend, gora naman ako. pakshet. siguro okey na rin, kasi dumadami friends ko. pero sana man lang bigyan man lang ako ng babala ng kalikasan kung oras na bang bigyan ng malisya para alam ko kung kelan ako dapat mag-react ng naaayon. haaaaaaaaaayyyyy...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home