bahay bata
ewan ko kung bakit ganyan ang pamagat nitong post na to. basta kasi gusto ko lang sabihin na medyo nagulantang ako pagpasok ko sa bahay namin kagabi. nakakawindang ang tumambad sa aking paningin. may bagong install na furniture na di ko talaga maubos maisip na after 6 months na pagtira sa apartment na yun, first time na makakatikim ng bahay ng upgrade. nakakatuwang nakakalungkot.
nakakatuwa kasi at last nag-iimprove yung bahay. medyo mas mukha na siyang bahay ngayon, malinis naman, at meron pa kaming patungan ng tv na sabi nga ni maychelle "mukhang galing sa morge". pati nga mga door knob at spring ng aming pintuan inayos din ni lemy halimaw. grabe talaga. gusto kong tumambling mula lagro hanggang baclaran.
nakakalungkot kasi namiss ko na naman si ryam. siguro kung magkasama pa kami ngayon, ma-iinspire siyang bumili ng mga muwebles, mga gamit sa kusina, mga bagong appliances, at kung ano ano pa. nakakaaliw kasi siya pag namimili. napakaenthusiastic. natutuwa kasi ako pag nakikita kong nageenjoy siya. lalo na pag may bagong gamit. sobrang excited siya, para siyang bata. sigurado matutuwa din siya sa ayos ng bagong bahay...kasi nga mukha na siyang bahay ngayon...pero siyempre di na mangyayari yun kasi di naman na kasi talaga siya babalik eh.
naiisip ko tuloy kung minsan paano kaya kung bumalik siya. tatanggapin ko pa kaya siya? pero ang nakukuha ko lang talagang sagot... "ewan ko...di ko alam". pero natutukso na talaga kong sabihin sa kanya na parang gusto ko siyang bumalik. pero ayoko rin kasi nga andiyan pa rin yung pride ko. ayoko nang mareject ng dalawang beses. pakshet naman bakla, di na nga binigay yung bagong number sa yo tapos sinama na nga si dexter sa bahay tapos babalikan mo pa. gaga ka pala eh.
ewan ko ba...siguro nalulungkot lang ako kasi nga medyo matagal tagal na rin para sa record ko na naging single ako. gusto kong isipin na kaya to patagal ng patagal kasi nagiging mature na ko sa pagpili ng lalaking makakasama sa buhay. sana nga...wish ko lang talaga.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home